Thursday, May 25, 2006

Ang Enchanted Kingdom ni Gloria

Saan naman kaya nakuha ni Gloria ang kanyang walang kakwenta-kwentang hirit ukol sa pagiging First World country ng Pilipinas? Alam ko, hindi masamang mangarap. Pero hindi naman maganda ang mag-ilusyon. Lalo na kung ito ay isang ilusyon na walang baseahan.
Mangako ba naman na gagawin niyang miyembro ng First World countries ang Pilipinas! Ewan. Kahit makapal ang mukha ko, hindi ko kayang ipangako ang ganyang klase ng bagay. Susmaryosep, kahit ita buwang hindi kayang gawin iyon.
Hindi ba dapat sagutin niya muna ang mga pagdududa sa kanyang pagiging pangulo. Hindi kaya dapat muna niyang ipaliwanag kung bakit sunod-sunod ang mga namamatay na mamamahayag at aktibista sa kaniyang administrasyon. Kung hindi rin talaga may topak si Gloria.
Ano ba namang klase economist iyan. Sa susunod marapat pa ay huwag na niyang ipagmalaki na nakapagaral siya sa Assumption, UP, at Georgetown kasi baka ikahiya lamang siya.
Enchanted Kingdom? Na-engkanto na si Gloria.

No comments: