Thursday, May 04, 2006

Si Raul O!

Raul. Raul. Raul.

Gonzales.

Ano ba talaga ang iyong problema?
Inabuso ka ba sa iyong pagkabata?
Pinalo ng guro ng ikaw ay nag-aaral pa?

Kung ano man ang naging problema, ang masasabi ko lang...
ito'y malaki talaga,

Idamay mo ba naman ang buong bansa sa iyong kahibangan.
Patulan mo ba naman lahat ng kritisismo sa gobyerno.
Marahil ito ay iyong sinumpaang misyon.
Pero alam mo?
Isa pang angil at sigurado isusumpa na kita.

Wala ka bang magawa sa buhay?
Bakit di ka na lamang mag-cross stitch?
O magbabad sa Friendster?
My Space kaya?

Kaysa naman patulan mo si Cory Aquino?
At si Kris.
Sabihan mo ba namang masyadong maganda si Susan Roces kaya ayaw mo siyang ikulong.
Ewan ko lamang kung ano ang mapapala mo sa tribo ng Gabriela.
Naisip ko lamang.
Kung buhay kaya si FPJ, magagawa mo iyon kay Susan.
Siguro kakausapin ka ni Da King.
Pero ang magsasalita sa panig niya ay sunod-sunod na kamao.
Tapos kamakailan lamang iyong nanay naman ng Subic rape victim ang iyong pinatos.
At pagkatapos si Father Bernas.
Tsk. Tsk. Tsk.
Guru of Destabilization ang sabi mo.
Hindi kaya sa iyo mas nababagay ang nasabing pamagat?

Hayok ka talaga sa away.
Hayok ka rin sa kontrobersya.
Tinalo mo na si Madam Auring.
Tinalo mo na si Etherl Booba.
Tinalo mo na si Mystica.

Tinalo mo na silang lahat.
Bukas makalawa, makakalimutan na namin ang mga hirit ni Miriam Santiago.

Ikaw na ang Diyos ng mga Wangbu.

Wangbu.
Wangbu.
Wangbu.

Sambahin ang Diyos ng mga Wangbu.

Angas.
Diyos.


Pero bat-si na ako.
Ayoko sa iyo.
Ayokong maging wang-bu.

Nang dahil sa iyo, pati hustisya ng Pilipinas na wangbu na rin.

No comments: